GMA Logo Huwag Kang Titingin movie trailer reactions
Photo by: GMA Pictures
What's Hot

'Huwag Kang Titingin' movie trailer, umani agad ng papuri at takot online

By Kristine Kang
Published March 17, 2026 5:56 PM PHT
Updated March 17, 2026 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA-11, gipaandam ang katawhan sa posibleng pagsaka sa presyo sa buga| One Mindanao
SUV na umiwas sa tricycle, sumalpok sa poste ng arko matapos mawalan ng kontrol
Check out the Mister Pilipinas Worldwide delegates at The Ruins

Article Inside Page


Showbiz News

Huwag Kang Titingin movie trailer reactions


Parating na ang sumpang babaliktad sa lahat! 'Huwag Kang Titingin' sa April 15 na!

Ramdam na kaagad ang katakutan online nang ilabas ang official movie trailer ng Huwag Kang Titingin.

Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Productions, isang chilling horror experience ang hatid ng pelikula na hango sa tema ng Filipino folklore at impluwensya ng internet.

Sa trailer, makikita ang isang grupo ng magkakaibigan na bibisita sa isang misteryosong bayan. Habang unti-unti nilang inaalam ang kakaibang tradisyon ng lugar, susubukan nila ang isang nakakakilabot na ritwal na magbubukas ng isang mapanganib na sumpa.

"From the producers of KMJS' Gabi ng Lagim The Movie and Mallari, Huwag Kang Titingin turns a viral internet challenge into a nightmare fueled by Filipino folklore," ani ng GMA Pictures.

Agad na pinusuan ng netizens ang official trailer, sabik na mapanood ang upcoming horror film.

May ilan ding hindi napigilang magulat at matakot sa mga nakakakilabot na eksena nito.

Kapansin-pansin ang excitement ng mga manonood para sa inaabangang cast na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Tingnan ang ilan sa mga reaksyon ng fans, dito:

Photo by: GMA Network YT, gmapictures FB and IG

Abangan ang nakakakilabot na horror experience ng Huwag Kang Titingin sa mga sinehan, ngayong April 15!

Ito'y idinirehe ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays de Guzman.

Samantala, balikan ang masayang pagbisita ng Huwag Kang Titingin cast sa Davao City: