
Humandang matakot at mag-enjoy sa isang chilling experience ngayong summer sa pinakabagong horror film na Huwag Kang Titingin.
Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., hatid nito ang isang kakaibang horror story mula sa young cast na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at may special participation ni Shuvee Etrata.
Ngunit hindi lang basta takutan ang naghihintay sa audience sa sinehan.
Sa ginanap na premiere night nitong Lunes, April 13, nasorpresa at natuwa mismo ang cast sa final na kinalabasan ng pelikula.
"Actually, nagulat po kami because the script was rewritten. Hindi siya ganyan noong shinoot namin siya," pahayag ni Sofia sa 24 Oras.
Dagdag ni Allen, "Talagang, pati kami sinurprise nina Sir Ays, Mentorque Productions, at GMA Pictures sa ginawa nila."
Para naman kay Marco, "Wala, I'm just really impressed, grabe 'yung performance ng cast, lahat-lahat, the production."
Kapansin-pansin din ang naging reaksyon ng audience sa premiere night. May napatili, kinabahan, at natakot sa mga eksena. Ngunit mayroon ding natawa at kinilig sa ilang bahagi ng pelikula.
"I'm happy the people loved it," sabi ni Anthony.
"Hindi ko inakala 'yung horror pwede pala maging comedy. So sana ma-feel din ng viewers natin diyan 'yung naramdaman namin while watching," kuwento naman ni Shuvee.
Ibinahagi rin ng iba pang cast ang kanilang kasiyahan sa naging pagtanggap ng audience.
"Nakakatuwa lang po makita namin sa big screen 'yung pinagtrabuhan namin," ani Michael.
Dagdag ni Kira, "We got more than what we expected. Hindi lang takot 'yung nakuha namin sa audience namin. May pagka-comedy ng slight."
"Natutuwa nga ako kasi 'yun nga sabi ni Kira, lahat ng mga reaksyon iba-iba," sabi ni Josh.
Samantala, hiling naman ni Sean, "It's a horror movie, but I hope it spreads the joy."
Tingnan ang star-studded black carpet ng Huwag Kang Titingin premiere night dito:
Huwag palampasin ang Huwag Kang Titingin, mapapanood na sa mga sinehan nationwide!
Sa direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Ays de Guzman, tampok sa pelikula ang isang nakakakilabot na kuwento na hango sa Filipino folklore na may modernong twist ng clout chasing.
Ito ay mula sa GMA Pictures at Mentorque Productions, ang mga nasa likod ng KMJS: Gabi ng Lagim The Movie at Mallari.
Samantala, silipin ang fun and frights ng Huwag Kang Titingin behind-the-scenes sa gallery na ito: