
Handa na maghatid ng saya ang cast ng upcoming GMA Pictures' summer horror film na Huwag Kang Titingin sa Cebu City.
Abangan sina Sparkle stars Sofia Pablo, Allen Ansay, Shuvee Etrata at Anthony Constantino sa Kapuso Mall Show na gaganapin sa Activity Center ng Ayala Malls, Central Bloc sa Cebu City sa March 29 sa oras na 4:00 p.m.
Kamakailan lamang ay dumalo at nakisaya sina Sofia, Allen, Anthony, kasama ang co-star na si Charlie Fleming sa Davao City para sa pagdiriwang ng 89th Araw ng Dabaw.
Kabilang din sa cast ng naturang pelikula sina Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, at Sean Lucas.
Ipapalabas ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan simula April 15. Ang naturang pelikula ay binuo ng GMA Pictures at Mentorque Productions, ang mga nasa likod ng iconic horror films na KMJS' Gabi ng Lagim The Movie at Mallari.
Ang Huwag Kang Titingin ay idinirehe ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays De Guzman.
Related content: Fun and frights: 'Huwag Kang Titingin' behind-the-scenes