
Huwag palampasin ang huling season ng hit anime series na Bleach, simula April 25, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Yo-Kai Watch sa nag-iisang tahanan ng mga astig, ang GMA Astig Authority!
Nabubuhay na muli bilang isang normal na high school student si Ichigo Kurosaki. Nawala ang kanyang kapangyarihan bilang isang Soul Reaper matapos talunin ang isang makapangyarihang Soul Reaper.
Isang araw habang pauwi galing ng eskwela, tutulungan ni Ichigo ang isang lalaking nanakawan ng bag. Magpapakilala ang lalaking ito bilang si Kugo Ginjo at hihikayatin niya si Ichigo na bawiin ang kanyang Soul Reaper powers!
Sino ang misteryosong lalaking ito? Mabuti kaya ang pakay at intensyon niya kay Ichigo?
Mabawi pa kaya ni Ichigo ang kanyang powers?
Huwag palampasin ang huling season ng hit anime series na Bleach, simula April 25, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Yo-Kai Watch sa nag-iisang tahanan ng mga astig, ang GMA Astig Authority!