What's on TV

Huwag palampasin ang huling laban ng 'Voltes V: Legacy'

By Marah Ruiz
Published September 6, 2024 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes V Legacy


Ang kapayapaan sa Boazan ang nakataya sa huling laban ng 'Voltes V: Legacy.'

Narito na ang huling episode ng groundbreaking megaseries na Voltes V: Legacy.


Nasa Boazan na sina Steve (Miguel Tanfelix), Mark (Radson Flores), Jamie (Ysabel Ortega), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon (Raphael Landicho) at haharapin nila ang isang matinding beast fighter.

Muli na bang makakapiling ng magkakapatid na Armstrong ang tatay nilang si Ned (Dennis Trillo)?

Dito rin malalaman nina Steve, Big Bert at Little Jon na kapatid nila ang malupit na si Zardoz (Martin del Rosario). Matatanggap kaya nila ito bilang bahagi ng kanilang pamilya?

Kalayaan ng mga alipin at kapayapaan sa buong Boazan ang nakataya sa huling laban ng Voltes V.

Huwag palampasin ang huling episode ng Voltes V: Legacy, September 6, 4:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!