
Bumuhos ang emosyon ng popular disk jock na si Nicole Hyala nang mabasa ang body-shaming comments ng isang netizen patungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Isang mahabang mensahe ang i-pinost ng celebrity mom sa Instagram kung saan pumalag ito sa lahat ng masasakit na salitang binitawan ng isang netizen.
READ: DJ Nicole Hyala shares the difficulties of being pregnant with her second baby
Heto ang ilan ng mga sinabi ng naturang basher laban kay Nicole Hyala.
“Pero naman di po kayo maganda at ang pangit ng pusod nyo… Pangalawa, you've got the nerves to show to the world how ugly you are, I mean come on let's face it you're just common.
“Don't try or even dare to call yourself a queez coz you don't have the beauty. My gosh walang panget na queen at higit sa lahat malinis ang pusod ng mga reyna kaloka ka.”
Palaban naman ang naging sagot ni Nicole at may pakiusap na huwag laitin ang kaniyang katawan, na dumadaan sa maraming pagbabago lalo na at buntis siya sa second baby niya.
Saad ng preggy mom, “The nature of my job makes me an easy target for criticism. I understand that.
“But I do not deserve it, especially not for the changes that occurred as I grow a human being inside my body.
“Hamakin niyo na ako sa lahat ng aspeto. Wag lang sa pagiging nanay ko. Dahil sumusobra na kayo.”
Ikinuwento din ni Nicole Hyala na hindi siya pumayag nang i-suggest ng kaniyang photographer sa maternity shoot na i-edit ang kaniyang belly button.
Paliwanag niya, “When my photographer asked if my belly button should be edited, or flattened out, I immediately answered with, 'No.'
“I embrace all my body changes including developing umbilical hernia from my 1st pregnancy.
“And if having more children will make my body go through more changes, then I will be more than willing to embrace them. Having a baby is a blessing, a miracle in itself.”
Nag-iwan din si Nicole Hyala ng mensahe para sa kaniyang basher.
“And to you Patrick (even if this is just a poser account), I hope that your mother will NEVER have to go through body-shaming.
“I pray that you will be careful with your words next time. Because words can kill or heal.”
Todo naman ang suporta ng mga celebrities sa disk jock, matapos makaranas ng body-shaming online.
Si Nicole Hyala o Emmy Gaite sa totoong buhay ay kasal sa non-showbiz husband nito na si Renly Tiñana, mayrun na silang panganay na anak na pinagalanan nilang Princess.