What's Hot

#HuwagAko: Kapatid ni Chariz Solomon, binastos diumano ng nanay ng isang celebrity

By Aedrianne Acar
Published July 9, 2018 11:23 AM PHT
Updated July 9, 2018 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Sunod-sunod ang tweet ni Fifth Pagotan, kapatid ng komedyanteng si Chariz Solomon noon gumaga ng July 6 matapos ang masama niyang encounter sa nanay ng isang celebrity. Alamin dito ang detalye.

Maanghang ang mga detalye na ibinahagi ng kapatid ni Chariz Solomon na si Fifth Pagotan sa Twitter last week matapos nitong ikuwento ang naging karanasan niya nang bastusin siya ng magulang ng isang celebrity.

Sunod-sunod ang tweet ni Fifth umaga ng July 6 matapos ang masama niyang encounter sa nanay ng isang celebrity nang makita niya ito sa isang party.

Hindi na pinangalanan ni Fifth ang naturang artista, as of this writing binura na rin niya ang ilang bahagi ng kaniyang post.

 

 

Chariz Solomon supports bisexual brother for coming out

 

Matapos mahimasmasan nag-post uli si Fifth ng isang tweet noong gabi ng July 6 upang humingi ng paumanhin sa emotional post niya.

 

 

Twin brother ni Fifth si Fourth Pagotan at pareho silang napanood sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2014.