GMA Logo Hyun Bin
What's Hot

Hyun Bin, first time sa Pinas; thankful sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans

By Karen Juliane Crucillo
Published August 9, 2025 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line to bring cloudy skies, rains over Luzon
Sinulog 2026 festivity kicks off
Alexandra Eala wins vs Magda Linette to secure spot in ASB Classic semifinals

Article Inside Page


Showbiz News

Hyun Bin


Todo ang pasasalamat ng K-drama actor na si Hyun Bin sa warm welcome ng Pinoy fans sa kaniyang unang pagbisita sa Pilipinas.

Sa unang pagbisita ng South Korean actor na si Hyun Bin sa Pilipinas, agad niyang naramdaman ang mainit na pagmamahal ng Pinoy fans.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras para sa GMA Integrated News nitong Biyernes, August 8, todo pasasalamat si Hyun Bin sa suporta at pagmamahal ng Pinoy fans na sumalubong sa kaniya sa isang espesyal na fan meet-and-greet sa Solaire Resort.

"The Philippines was always on my list to visit, and I did not have so much time yet to go around and kind of experience the Philippines, but you know the way they have welcomed me here in the Philippines is really, really heartwarming and it is more amazing than I expected," sabi ng K-drama actor.

Sa maikling pananatili niya sa bansa, nakatikim din siya ng Pinoy dish na talaga namang kaniyang na-enjoy.

Aniya, "I also had a meal, it was very delicious and amazing. I got a suggestion/recommendation for Filipino food, and it was adobo. It was very delicious and I enjoyed it."

Nasa bansa si Hyun Bin para sa isang fan meet and greet at looking forward na raw siyang makita ang kaniyang Pinoy fans.

Sa kaniyang unang meet-and-greet sa Pilipinas, looking forward si Hyun Bin na makita at masuklian ang pagmamahal ng kaniyang Pinoy fans.

"Their unconditional and unchanging love and support that I see from the Filipino fans, I am really really grateful and honored to have this kind of support and with that love, I'd like to turn it back to you, to the Filipino fans with more projects and of course, a better actor as well so thank you thank you so much for all your love and support," pasasalamat ni Hyun Bin sa kaniyang Pinoy fans.

Bumida si Hyun Bin sa mga K-drama na Secret Garden at My Lovely Sam Soon na ipinalabas sa GMA. Mas lalo naman siyang nakilala at minahal ng mga manonood sa 2019 hit series na Crash Landing on You bilang si Captain Ri.

Samantala, tingnan dito ang handsome photos ni Hyun Bin: