
Isang makahulugang post na "LIFE IS BUT A DREAM #beyondsuperficialities" ang ini-upload ni Mark Bautista na tumutukoy sa estado ng kanyang career.
Pagsisimula niya sa kanyang post, "I can find a job outside a TV network and I can still call it a career."
Ayon sa OPM singer ay hindi niya nakakaligtaang ipaalala sa kanyang sarili na ang kasikatan ay puwedeng maglaho. "I always remind myself that hype is temporary and fame is fleeting."
Para mas lalo niyang mailahad ang mensahe na kanyang nais na iparating, ay ginamit niya ang nursery rhyme na "row, row, row your boat."
Aniya, "Here's some childhood reminder: row, row, row your boat gently down the stream. Merrily, merrily, merrily, merrily, life is but a dream. 'Pag namatay tayo ma-realize na lang natin paggising na ito pala lahat ang totoong panaginip lang... isang malaking panaginip. Fullest. Enjoy. 'Wag dibdibin mga problema. Keep moving but enjoy every moment dahil lilipas din 'to lahat... Row your boat slowly and happily because life is just a dream."