
Bago umere ang ikalawang kuwento sa I Can See You series, makikipagkuwentuhan ang cast ng “The Promise” sa GMA Entertainment Viber Community!
Samahan sina Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, at Maey Bautista sa Kapuso Viber Chat kung saan ikukuwento nila ang mga detalye ng kanilang mga karakter sa upcoming drama anthology.
Kaya ipadala na ang inyong mga tanong sa GMA Entertainment Viber Community at baka kayo ang sasagutin ng star-studded cast ngayong Lunes, October 5, 4:30 ng hapon.
Ang I Can See You: The Promise ay tungkol sa isang biyudong lalake na umibig sa isang aspiring artist na handang gawin ang lahat upang iangat ang estado ng kanyang pamilya. Ito ay idinirehe ni Zig Dulay.
Mapapanood ito simula Lunes, October 5 sa GMA-7.