
Magsisimula na sa Lunes, October 5, ang ikalawang handog ng I Can See You, ang “The Promise.”
Ang serye ay pinagbibidahan ng Kapuso A-list stars na sina Paolo Contis, Andrea Torres at Benjamin Alves.
Tampok din dito ang actress-host na si Maey Bautista at ang special participation ni Kapuso leading lady Yasmien Kurdi.
IAT: Cast ng I Can See You: The Promise
Ang “The Promise” ay tungkol sa istorya ng multi-millionaire businessman na si Frank Agoncillo na labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang asawa, si Clarisse Agoncillo. Pumanaw si Clarisse nang masangkot sila aksidente.
Dahil dito, naging miserable ang dating makulay at masayang buhay ni Frank.
Sa kanyang pagdadalamhati ay nakilala niya si Ivy Teodoro, ang girlfriend ng pinsan at right hand man niyang si Jude Agoncillo.
Ang pagdating ni Ivy sa buhay niya ang muling magpapanumbalik sa mga alaala ng namayapang si Clarisse.
Mula sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay, tunghayan sa “The Promise” ang mga kaabang-abang na tagpo at mahusay na pagganap ng bigating cast ng serye.
Abangan ang I Can See You: The Promise, sa Lunes, October 5, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.