
Mula sa pagpapatawa, sumabak naman sa heavy drama ang actor-comedian na si Paolo Contis, sa pinakabago niyang serye, ang “The Promise.”
Ang “The Promise” ay ikalawang week-long series na tampok sa drama anthology na I Can See You.
Kasama niya rito ang iba pang Kapuso A-list stars na sina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurid. Tampok din dito ang actress-host na si Maey Bautista.
Gaganap ang aktor bilang ang milyonaryong businesmann na si Frank Agoncillo na labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang asawa, si Clarisse Agoncillo (Yasmien). Pumanaw si Clarisse nang masangkot sila aksidente.
Dahil dito, naging miserable ang dating makulay at masayang buhay ni Frank.
Sa kanyang pagdadalamhati ay nakilala niya si Ivy Teodoro (Andrea), ang girlfriend ng pinsan at right hand man niyang si Jude Agoncillo (Benjamin).
Ang pagdating ni Ivy sa buhay niya ang muling magpapanumbalik sa mga alaala ng namayapang si Clarisse.
“Hanggang kalian ka magho-hold on sa promise mo, 'til death do us part, 'di ba?
“Papunta na ako sa nababaliw na ako. Hindi mo na nga alam kung ano 'yung realidad ko, e,” paglalahad ni Paolo sa kanyang role.
Dagdag naman ni Yasmien, “Nu'ng namatay 'yung character ko rito, parang talagang naapektuhan siya. 'Yun 'yung cause nu'ng in-isolate niya 'yung sarili niya from the rest of the world.”
Ayon naman kay Andrea, maraming makaka-relate sa istorya ng “The Promise.”
“I think maraming makaka-relate rito kasi kapag nagmamahal ka, nawawala na identity mo. Nag-a-adjust ka sa kung anong gustong makita sa 'yo ng partner mo,” aniya.
Para naman kay Benjamin, siksik sa mga makabuluhang eksena ang serye.
“Every scene and every dialog matters. Every second na nasa screen kami, it matters.
"Mahalaga siya. Wala siyang filler na eksena kahit phone call. Everything, every minute matters,” aniya.
Ang komedyanteng si Maey naman ang maghahatid ng iba pang spice sa serye.
“Seryoso silang lahat, ako 'yung execution ko kailangan aside from big movement, 'yung action ng mata ko nagsasalita, kailangan may comedy siya,” saad niya.
Mula sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay, mapapanood ang “The Promise” mula October 5 hanggang October 9, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.