GMA Logo santa fe
What's on TV

'I Found My Heart in Santa Fe,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published February 13, 2023 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

santa fe


Kabilang ang 'I Found My Heart in Santa Fe' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Ready na for Valentine's Day ang digital channel na I Heart Movies.

Para sa mahilig sa romance films, nariyan ang I Found My Heart in Santa Fe starring Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Isa itong unexpected love story sa pagitan ng isang turistang gustong maging in touch sa kanyang Pinoy roots at isang heartbroken na workaholic.

Bida rin sa pelikula ang magandang isla ng Santa Fe, Cebu kaya tunghayan ang I Found My Heart in Santa Fe, February 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Get your heart racing naman sa horror film na The Missing, starring Ritz Azul, Joseph Marco, at Miles Ocampo.

Kuwento ito ng isang architect na tatanggap ng restoration project para sa isang lumang bahay sa Japan. Kasama niya sa proyekto ang kanyang ex-boyfriend na isa ring architect at isang intern.

May mga 'di maipaliwanag na mga bagay na mapapansin ang tatlo sa halos 100-year old na bahay.

Abangan ang The Missing, February 15, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.