What's Hot

"I guess this is the most daring thing that I've done" - Andrea Torres

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 3:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Andrea Torres, mas gugulatin pa ang mga tao sa pagpapa-sexy pagdating ng 2015?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Bago matapos ang 2014, kanya-kanya ang mga tao sa pag-evaluate kung naging maganda ba ang taong ito sa kanila o hindi. Pero sa lagay ni Kapuso actress Andrea Torres, hindi na niya kailangan pang pag-isipan pa ang sagot dahil halata namang napakaganda ng itinakbo ng kanyang career this year.
 
Hindi maikakaila ng 'Ang Lihim ni Annasandra' star ang malaking ingay na ginawa niya mula October hanggang sa huling buwan ng taon. Ang nakapagtataka, lahat ng mga ito ay may kinalaman sa kanyang change image.
 
Kaya naman tinanong namin mismo kay Andrea kung ang 2014 na ba ang official star ng kanyang pagpapa-sexy. Hindi naman niya ito itinanggi at inamin na hindi niya rin ito in-expect. Sunod-sunod kasi ang projects niya na nakitaan ng sexy image. 
 
Nag-umpisa ang pagpapa-sexy ni Andrea noong tanggapin niya ang first title role show na 'Ang Lihim ni Annasandra.' Malaking challenge ito sa aktres noon dahil requirement sa Afternoon Prime soap ang skin exposure.
 
Tinanggap din naman ni Andrea ang show subalit ipinaalam niya muna ito sa kanyang mga magulang.
 
Sa mismong show, lalo pang nagpaka-daring si Andrea dahil first time niyang gumawa ng intimate love scene kasama si Mikael Daez. Ayon sa aktres, kakaiba ang eksenang ito dahil walang itinagong shots kaya't lahat ng anggulo ay ipinakita sa camera.
 
At siyempre, ang pinakamalaking pasabog ni Andrea ay nang mag-pose siya sa FHM bilang cover girl for the magazine's December issue.
 
"I guess this is the most daring thing that I've done and nakakagulat," pahayag ni Andrea.
 
Dagdag pa niya, "So dahil sobrang laking step ng FHM at sobrang layo niya sa mga ginagawa ko before, I think it's about time na mas maging open ako sa iba pang projects."
 
Hindi raw tinutuldukan ni Andrea ang kanyang sexy image ngayong taon. "Baka gulatin ko pa kayo ulit next year," pagtatapos ng 'Ang Lihim ni Annasandra' star.

Watch our for our exclusive interview with Andrea soon on GMANetwork.com.