GMA Logo I Hear Your Voice
Photo source: GMANetwork YouTube channel
What's Hot

I Hear Your Voice: Isang malaking kawalan | Week 4 recap

By Ron Lim
Published April 18, 2022 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

I Hear Your Voice


Sa ika-apat na linggo ng 'I Hear Your Voice,' makakaharap ni Hayley ang isa sa pinakamalaking dagok sa kanyang buhay.

Sa pang-apat na linggo ng I Hear Your Voice, ang umaarangkadang karera ni Hayley bilang public defendant ay magkakaroon ng gusot pagkatapos simulan ni Matias ang maitim na balak nito laban sa kanya.

Habang nasa opisina ng mga public defendant ay natagpuan ni Hayley ang sarili na inaatake ng isang matanda na tinapunan siya ng basura. Natural, hindi siya masaya sa nangyari at planong ireklamo sa pulis at ihabla ang matanda. Ganunpaman, pinaalala sa kanya ng kanyang boses na meron talagang mga pagkakataon na hindi naman kailangan na sundin ang batas hanggang sa pinakahuling punto.

Dahil hindi pa rin nila natutunton kung nasaan si Matias, parehong nag-iingat sina Hayley at Zach. Mas lalo pang nag-alala ang dalawa dahil sa nakakatakot na panaginip ng ina ni Hayley. Hindi man niya aminin nang harapan, mas lumalim ang pag-aalala ni Zach at ang kagustuhan niya na protektahan ito.

Patuloy naman na namamayagpag ang career nina Hayley at Robert. Sa pamamagitan ng ability ni Zach, nakahanap ng legal na paraan si Hayley upang matulungan si Robert na maipanalo ang kanyang kaso kung saan katunggali niya si Doreen. Sa tuwa ay hindi napigilan ni Robert na yakapin si Hayley, na siya namang ikinagulat ng babae.

Kumilos na si Matias upang isakatuparan ang kanyang maitim na balak laban kay Hayley, simula sa ina nito. Pagkatapos maging empleyado ng restaurant na pagmamay-ari ng nanay ni Hayley ay nakuha niya ang tiwala nito, kung kaya naging madali upang dakpin ito at bugbugin. Ngunit kahit na sa matinding panganib, nagawa pa rin ng nanay ni Hayley na ipaalala dito na hindi siya dapat ma-overwhelm ng paghihiganti.

Upang mapagtakpan ang kanyang pagpatay sa nanay ni Hayley, sinunog ni Matias ang chicken restaurant nito at hinayaang masugatan ang sarili upang mag-mukhang inosente sa nangyari. Si Doreen naman ang prosecutor na naatasang lumitis sa kaso, at kahit sinubukan ni Matias na manipulahin ito, hindi niya inaasahan na isa rin si Doreen sa mga nakakita sa ginawa niyang pagpatay sa ama ni Zach ilang taon na ang nakalipas.

Kahit na nagsabi na ang opisina nila Hayley na hindi nila hahawakan ang kaso ni Matias, sa kasamaang-palad ay si Robert ang naatasang depensahan ang lalaki. Wala ring nagawa ang pakikiusap ni Robert sa judge upang huwag ibigay sa kanya ang kaso, dahil si Matias mismo ang nagsabi na gusto niyang si Robert ang maging abogado niya. Ang kinakaharap ngayong dilemma ni Robert ay ang kanyang tungkulin bilang public defender at ang kaniyang nararamdaman para kay Hayley.

Patuloy na subaybayan ang I Hear Your Voice, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., sa GMA.