GMA Logo I Hear Your Voice
What's Hot

'I Hear Your Voice,' magbabalik na sa GMA!

By Ron Lim
Published March 9, 2022 6:25 PM PHT
Updated March 21, 2022 1:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

I Hear Your Voice


Muling mapapanood ang K-drama na 'I Hear Your Voice' sa Kapuso Network!

Simula ngayong Marso, muling mapapanood ng mga Kapuso ang hit K-drama na I Hear Your Voice.

Ang courtroom thriller K-drama na ito ay pinagbibidahan ni Lee Bo-Young, Lee Jong-Suk, Yoon Sang-Hyun, at Lee Da-Hee. Sinusundan nito ang kuwento ng dalawang tao na konektado dahil sa isang trahedyang naganap noong kabataan nila.

Si Lee Bo-Young ay gaganap bilang si Hayley. Kahit anak ng isang kasambahay, nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral at maging abogada. Noong bata pa siya, nasaksihan niya ang brutal na pagpatay sa ama ni Zach.

Si Lee Jong-Suk ang gaganap bilang Zach. Nadiskubre niyang meron siyang telepathy pagkatapos masaksihan ang pagpatay sa kaniyang ama. Matapos makulong ang pumatay sa ama niya dahil sa testimonya ni Hayley, nangako siya na ipagtatanggol niya si Hayley mula sa panganib.

Gaganap bilang si Robert si Yoon Sang-Hyun. Dati siyang pulis at ngayong abogado na siya, dala niya ang talino upang makita ang ibang anggulo ng mga kaso.

Si Lee Da-Hee naman si Doreen, dating karibal ni Hayley noong high school at galing sa mayaman at konektadong pamilya. Judge ang kaniyang ama at doctor ang kaniyang ina at palagi siyang nagsisikap na maging perpektong anak. Tulad ni Hayley, nakita rin niya ang pagpatay sa ama ni Zach ngunit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na tumestigo.

Antabayanan ang I Hear Your Voice sa GMA simula March 21, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m.