GMA Logo I Hear Your Voice
What's Hot

I Hear Your Voice: Mga tunay na nararamdaman | Week 6 recap

By Ron Lim
Published May 4, 2022 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

I Hear Your Voice


Sa ikaanim na linggo ng 'I Hear Your Voice,' lumabas ang katotohanan sa korte at sa pagitan nila Hayley at Zach.

Sa pang-anim na linggo ng I Hear Your Voice, dininig sa korte ang kaso ni Zach, at hinarap na rin ni Hayley ang kaniyang mga damdamin para sa lalaki.

Hindi pa tuluyang bumabalik ang mga alaala ni Zach, pero ang pakikinig sa kaniyang mga journal entries ay unti-unting nakatutulong sa kanya. Unti-unting lumilinaw sa kaniya ang papel ni Hayley sa buhay niya, at ang mahigit 10 taon na history na namamagitan sa kanila. Habang nakikipag-usap kay Hayley tungkol sa kaniyang kaso, diretso nang tinanong ni Zach kung espesyal ba siya kay Hayley.

Sa pagdinig ng kaso ni Zach, ipinaalala ni Doreen sa jury ang nakaraan ni Zach at Matias upang patibayin ang kaniyang argumento na si Zach ang pumatay sa huli. Ngunit nanindigan si Zach, Hayley, at Robert na inosente siya mula sa mga paratang na ito.

Sa kaniyang huling statement sa jury, ipinaalala ni Hayley ang kaniyang pinagdaanan sa paglilitis na unang nagpalaya kay Matias Min. Sa kaniyang argumento, kung hindi buo ang larawan na ipinipinta ng ebidensiya, tama lang na ipawalang-sala si Zach dahil hindi na maibabalik ang panahon na nawala kung makukulong ang binata at mapatunayang wala naman pala itong sala.

Sa pagtatapos ng kaso ni Zach, matagumpay na nakumbinsi nila Hayley at Zach na wala itong sala sa pagpatay kay Matias Min. Ipinaliwanag na ang kakulangan ng kasiguraduhan na patay nga si Matias Min, at maging ang patuloy nitong pagtangkang pumatay, ay sapat na rason upang ideklarang not guilty si Zach.

Kahit tapos na ang kaso niya ay gusto pa ring magpatuloy si Zach sa pakikipag-usap kay Hayley. Ngunit patuloy na dumidistansya ang huli sa kaniya at sa katunayan ay sinabihan pa nito na kinamumuhian niya ang lalaki. Ngunit patuloy na nakikiusap si Zach na bigyan pa siya ng isang pagkakataon ni Hayley.

Ngunit kahit tinataboy niya ang binata mula sa kaniya, hindi maitanggi ni Hayley na may gusto talaga siya kay Zach, kung kaya hindi niya masuklian ang pagtingin ni Robert sa kaniya. Kaya kahit pa nakapag-desisyon siya na alisin na si Zach mula sa buhay niya ay hindi niya maiwasang balikan ito.

Kahit hindi magawang suklian ni Hayley ang pagtingin niya rito, handa pa rin si Robert na tulungan ito sa pagdepensa kay Zach. Ngunit ginagawa niya ito sa pag-asang magbago ang nararamdaman ni Hayley para kay Zach. Sinabihan pa nito ang huli na huwag nang alalahanin ang pagdepensa sa binata.

Gayunpaman, kahit nangako si Robert na depensahan si Zach, hindi maiwasan ni Hayley na mangamba lalo na at patuloy na lumalalim ang kaniyang nararamdaman sa binata. Samantala, hindi rin maiwasan na magkaroon ng banggan sa pagitan ng dalawang lalaki sa muli nilang pagkikita lalo na at pareho silang may nararamdaman para kay Hayley.

Patuloy na subaybayan ang I Hear Your Voice, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., sa GMA.