GMA Logo Isa Pang Bahaghari in I Heart Movies digital channel
What's on TV

I Heart Movies, hatid ang mga pelikulang pampamilya ngayong Kapaskuhan

By Marah Ruiz
Published December 23, 2024 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Isa Pang Bahaghari in I Heart Movies digital channel


Hatid ng I Heart Movies ang ilang mga pelikulang pampamilya ngayong Kapaskuhan.

Mga kuwentong iikot sa pamilya ang mga pelikulang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na riyan ang family drama film na Isa Pang Bahaghari mula sa direktor na si Joel Lamangan.

Tampok dito si Superstar Nora Aunor, kasama ang iba pang mga batikang artista tulad nina Phillip Salvador at Michael de Mesa.

Kuwento ito ng isang seaman na susubukang bumawi sa kanyang pamilya matapos niyang abandonahin ang mga ito ilang taon na ang nakalipas.

May puwang pa ba siya sa pamilyang natutong mabuhay nang wala siya?

Bahagi rin ng pelikula sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Sanya Lopez, Maris Racal, Albie Casiño at Migs Almendras.

Tunghayan ang Isa Pang Bahaghari, December 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin sina Anne Curtis, Richard Gutierrez at Claudine Barretto sa In Your Eyes.

Si Claudine ay si Ciara na nagtratrabaho bilang physical therapist sa Amerika. Reunited sila ng kanyang kapatid na si Julia, karakter ni Anne, nang makakuha ito ng student visa para makapag-aaral doon.

Susunod naman kay Julia sa Amerika ang boyfriend niyang si Storm, played by Richard, kahit wala itong kongkretong plano.

Makikiusap si Julia kay Ciara, na isa nang American citizen, na pakasalan si Storm para makapanatili ito sa Amerika.

Ano ang kahihinatnan ng buhay nilang tatlo sa loob ng kakaibang kasunduang ito?

Tunghayan ang In Your Eyes, December 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.