GMA Logo i left my heart in sorsogon
What's on TV

'I Left My Heart in Sorsogon' taping, nagsimula na!

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 21, 2021 5:34 PM PHT
Updated October 25, 2021 9:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

#SONA2026 — Ano ang system loss charge at bakit ito pinatatanggal ni Pres. Bongbong Marcos? | GMA News Feed
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

i left my heart in sorsogon


Ang first taping location ng programa ay ang napakagandang library ng Sorsogon State University!

Nagsimula na ang lock-in taping para sa bagong teleserye ng GMA na I Left My Heart in Sorsogon, na pagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Nasa Sorsogon na ngayon sina Heart at Paolo, at ang unang destinasyon nila ay ang library ng Sorsogon State University.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Bukod kina Heart at Paolo, nasa Sorsogon na rin sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Zonia Mejia, at Elias Point.

Sa mga larawan ng GMA Drama, mukhang enjoy na enjoy sina Kyline at Mavy sa kanilang location sa beach.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Bago sumabak sa taping, nagkaroon muna ng hotel quarantine ang buong cast at crew ng programa habang iniintay ang resulta ng kanilang swab test.

Abangan sina Heart, Richard, Paolo, at ang buong cast ng I Left My Heart in Sorsogon, malapit na sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin sa gallery na ito ang pamamasyal ng cast sa Sorsogon: