
Kakaibang love story ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Mapapanood dito ang I Love Lizzy na pinagbidahan nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.
Gaganap dito si Carlo bilang Jeff, isang seminarista na magbabakasyon para matukoy kung nais ba niyang ipagpatuloy ang pagpapari.
Makikilala niya si Lizzy, isang tour guide, na magpapa-question sa kanyang pananampalataya.
Mas magiging matimbang ba ang pagmamahal ni Jeff kay Lizzy o ang kagustuhan niyang magsilbi sa Diyos?
Alamin 'yan sa I Love Lizzy, January 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang box-office hit film na Mulawin: The Movie.
Ito ang pagpapatuloy ng kuwento ng iconic GMA telefantasya na Mulawin na ipinalabas sa telebisyon.
Sa pelikula, naghahanda na para sa tahimik na buhay sina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) nang abutan ng malakas na bagyo ang sinasakyan nilang bangka.
Magkakahiwalay sina Aguiluz at Alwina at mawawala pa ang kanilang mga alaala.
Samantala, bubuhayin ni Sang'gre Pirena (Sunshine Dizon) si Haring Ravenum (Michael de Mesa) kaya manganganib muli ang mga Mulawin.
Paano sila lalaban ngayong nawawala ang mga pinakamagigiting nilang mandirigma na sina Aguiluz at Alwina?
Official entry din ang Mulawin: The Movie sa 2005 Metro Manila Film Festival.
Abangan ang Mulawin: The Movie, January 30, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.