
Sa pagtatapos ng Enero, hatid ng GMA News TV ang ilang comedy films na siguradong magdadala ng good vibes sa pagsasara ng buwan.
Sa January 30, mapapanood ang LGBTQIA+ themed movie na I Luv U, Pare Ko sa Sine Date Weekends, 11:00 am.
Tampok dito ang Kapuso hunks na sina Rocco Nacino at Rodjun Cruz bilang matalik na magkaibigan.
Si Rocco ay gaganap bilang Sam, na may lihim na pagtingin kay Carlo na gagampanan naman ni Rodjun.
Itinatago ni Sam ang kanyang nararamdaman pati na tunay niyang pagkatao mula kay Carlo dahil isa itong homophobe.
May maisasalba pa ba sa kanilang pagkakaibigan kapag nalaman na ni Carlo ang katotohanan?
Samantala, ipapamalas naman ni Bossing Vic Sotto ang husay niya sa pagpapatawa sa Ano Ba 'Yan 2 sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm.
Sumama rin sa isang adventure sa Ang Panday ni Bong Revilla Jr. sa Saturday Cinema Hits, 5:30 pm.
Sa January 31 naman, balikan ang nakakakilig na tambalan nina Angel Locsin at Richard Gutierrez sa pelikulang I Will Always Love You. Tunghayan ito sa Sine Date Weekends, 12:00 pm.
Back to back naman ang action-comedy films na Boni and Klayd ni Redford White, 3:00 pm at Tunay na Magkaibigan, Walang iwanan... Peksman nina Vic Sotto at Philip Salvador, 4:30 pm sa Afternoon Movie Break.
Ang Hollywood comedy film na The House naman ang matutunghayan sa The Big Picture, 9:05 pm.
Tampok dito ang mga comedians na sina Will Ferrel at Amy Poehler bilang mag-asawang magpapatakbo ng undeground casino sa kanilang bahay para makaipon ng pera para college tuition ng kanilang anak.
Patuloy na tumutok sa GMA News TV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.