GMA Logo Nora Aunor, Ian De Leon
PHOTO COURTESY: ms.lotlotdeleon (Instagram), GMA Integrated News (YouTube)
What's Hot

Ian De Leon says mom Nora Aunor did not die during operation

By Dianne Mariano
Published April 18, 2025 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasaporte ni Zaldy Co, kanselado na, ayon kay Marcos
DENR files case vs Monterrazas project in Cebu City
Dennis Trillo unboxes Best Actor trophy from Asian Academy Creative Awards 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor, Ian De Leon


Pumanaw ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor nitong April 16 sa edad na 71.

Ibinahagi ng aktor na si Ian De Leon ang ilang detalye tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina na si Superstar Nora Aunor.

Sa pangunguna ni Ian, ibinahagi niya sa press conference sa unang araw ng burol ng kanyang nanay ang pahayag tungkol sa pagkamatay ng huli.

“It is with deep sorrow that we confirm the passing of our beloved mother, Nora Aunor, National Artist and the greatest actress in the history of Philippine cinema. She passed away peacefully last night, April 16, and surrounded by those who love her the most.

“From a very young age, our mom captivated hearts with her talent, grace, and unmatched voice. Over the decades, she built a career that shaped the very soul of our culture. Through song, through screen, and through every role she brought to life with brilliance, her contributions to the arts are immeasurable and her legacy will live on in every performance, every melody, and every person she inspired,” pagbabahagi niya.

Labis din ang pasasalamat niya sa lahat ng nagpaabot ng pagmamahal, mga dasal, at condolences para sa kanilang pamilya.

Patuloy niya, “Your messages are powerful testaments to how deeply she was cherished. Not just by us, but an entire nation. Thank you for honoring her life, her work, and the lasting mark she leaves behind. With love and heartfelt thanks from us, her children, her family, her friends.”

Matapos ito, ikinuwento ni Ian na hindi nila malilimutan ang mga ala-ala at aral na natutunan nila mula sa beteranang aktres at dadalhin nila ito habambuhay.

“'Yung mga naiwan niyang alaala sa amin, mga aral, hindi mamamatay 'yon. Habambuhay namin dadalhin 'yon. 'Yung mga aral na binigay niya sa amin, makakarating sa mga anak namin, sa mga apo namin. Ang mga aral na iyon ay walang iba kundi maniwala sa Panginoon. Kumapit lang sa Kanya kahit anumang pagsubok ang dumating sa buhay. Kailangan lang natin maging matatag para sa mga mahal natin sa buhay,” saad niya.

Ibinahagi rin ng aktor ang magagandang mga katangian ng kanyang ina bilang isang mapagmahal na tao.

“Ang Mommy namin, grabe magmahal 'yan e, alam natin 'yon. Grabe siya magbigay, uunahin niya mga ibang tao bago ang sarili niya. Hinayaan niyang maging inspirasyon sa karamihan. 'Yung ginagawa niyang pagkakanta, kapag gagawa ng pelikula, ginusto niya 'yun gawin kasi gusto niyang iparating sa mga tao na tao rin ang nagbibigay ng lakas sa kanya. Na ang tao rin ang nagbibigay ng pagmamahal sa kanya.

“Kaya siya naging Superstar, kaya siya naging National Artist dahil 'yon sa pagmamahal. Dahil 'yun sa binigay na biyaya ng Panginoon, paniniwala kay Hesukristo,” kwento niya.

Bukod dito, nilinaw din ni Ian na hindi pumanaw ang kanyang ina habang nasa operasyon.

“She did not,” sagot ng aktor.

Dagdag pa niya, “She was being operated on and after that, she had a hard time breathing. Eventually, all things went downhill from there. That's why they had to do another procedure after that."

BALIKAN ANG SHOWBIZ CAREER NI NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO: