Article Inside Page
Showbiz News
Balik-aksyon--at pagiging kontrabida--si Ian sa 'Totoy Bato.' Pero panooring mabuti, dahil hindi siya ang pangkaraniwang bad guy.
Balik si Ian Veneracion sa aksyon in 'Totoy Bato' at muhkang sa pagko-kontrabida din. Pero it seems ang character niyang si Miguel ay hindi pangkaraniwang bad guy. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
Sa taping ng prime time hit na
Totoy Bato, naabutan ng iGMA.tv si
Ian Veneracion na nagte-taping kasama ang kanyang mga co-stars na sila
Regine Velasquez,
Robin Padilla, at Queenie Padilla. And we learned that this scene is an extra sequence na kinailangan i-tape.
"Oo, maaksyon na, tsaka marami kaming ginagawang additional scenes, additional action scenes," kuwento ni Ian. "Depende rin kasi sa dating sa TV. So tulad nitong shinu-shoot namin today its an additional scene."
Nagbigay din si Ian ng kaunting backgrounder sa character niya sa show: "Ako 'yung manager ni Regine, my name is Miguel. Tapos, meron akong parang relationship sa kanya. Eventually, gusto ko siyang maging asawa tapos kaya magkaka-conflict kami ni Robin."
Therefore, hindi namin naiwas i-compare are role niya dito sa kanyang previous role sa
Joaquin Bordado. In-explain naman ni Ian ang fundamental difference ng dalawa: "Sa
Bordado, I starred as kontrabida. Pero dito maski ako hindi pa, more or less, [nakuha ‘yung] idea kung san ako mapupunta. Wala [pang] definite, depende sa writers 'yon eh.

"So ako, 'yung pag-play ko ng character ko, in the moment lang. Kaya maganda rin kasi natural na hindi nape-preempt kasi ako mismo, 'yun nga, hindi ko alam san papunta—kung magiging kontra or gaano kasama. So nagdedevelop ako kasabay nung character depende sa situation na mangyayari sa character ko, kaya siya magiging ganun."
Nagbigay pa si Ian ng dagdag na insight into the development ng role niya as Totoy's antagonist, "Medyo shady 'yung character eh. Hindi ko pa masabi kung mag-e-evolve siya into a talagang kontrabidang-kontrabida. Kasi 'yun nga, depende kung ano 'yung ire-reveal na pagkatao ko. Kasi so far, manager ni Regine, na-in love sa kanya. I mean, justified lahat ng emotions ni Miguel na magalit, na magselos. 'Yung normal na tao pa. 'Yung hindi pa unreasonable."
At totoo sa kuwento ni Ian, the latest episodes of the show reveal that Miguel and Anna are indeed engaged to be married. Pero, when would we really find kung ano talaga ang tunay na katauhan ni Miguel? As engaging as
Totoy Bato is, we can only get insights little by little into Ian's character on-screen.
However, off-screen, Ian Confesses that working with Regine is a revelation to him. Kanyang ni-relate, "First time ko with Regine, pero si Robin we worked together sa
Joaquin Bordado. And I'm very, very comfortable with him, with Direk Mac (Alejandre) and Direk Don Michael (Perez), and with the whole staff—the
Bordado staff."
And his impression of the Asia's Songbird?
"Regine? I expected her to be maldita. Pero she's very professional. She arrives on time, tapos she knows the script; she knows her lines and all. Wala, I'm surprised lang. Ganun. Kasi usually when ganon, leading lady and all. Pero she is very professional, makulit—akala ko masungit, eh. Hindi ako sanay na makita siyang tawa nang tawa. Bungisngis na makulit, a wonderful sense of humor. Very comfortable siya [katrabaho].
"Sa ngayon pa lang, simula pa lang, ang lalaki na ng ginagawa naming mga eksena and imposibleng mag-stay ka ng ganito. Lalo pagdating ng gitna, definitely, mas malaki pa. So ako, naku-curious ako kung gano kalaki pa 'yung mga eksena pagdating ng mga ganun. So sana subaybayan ng marami," ang anyaya ni Ian sa mga manonood.
Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register
here!