Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Sabado (Pebrero 23), mas marami pang mga Superhumans na may kagila-gilalas na abilidad ang ipakikilala ng
Kap’s Amazing Stories.

Ngayong Sabado (Pebrero 23), mas marami pang mga Superhumans na may kagila-gilalas na abilidad ang ipakikilala ng Kap’s Amazing Stories.
Sa Wisconsin, si Tim Friede ay napapabalitang hindi tinatablan ng lason ng pinakamakamandag na ahas sa buong mundo. Ipapakita ni Tim ang pagturok niya sa kanyang katawan ng kamandag ng inaalagaan niyang Black Mamba. Wala nga kayang maging epekto sa kanya ang kagat ng ahas?
Ipinagmamalaki naman ng London ang kanilang Elastic Rubber Band Man na si Gary Turner. Tawag-pansin sa marami ang taglay niyang most stretch skin. Mapatunayan kaya ni Gary ang kanyang pagiging superhuman sa pamamagitan ng kanyang malagomang balat?
Posible kayang makontrol ang natural na reaksyon ng katawan para makalunon ng pitong espada? ‘Yan ang kakaibang katangian ni Dan Meyer. Hindi lamang isang 20-inches na espada ang kanyang kayang lunukin, kung hindi pitong espada. Paano nga ba nagagawa ni Dan na ipasok ang mga espada sa bibig hanggang sa loob ng kanyang tiyan?
Kilalalin sila at iba pang mga Superhumans sa
Kap’s Amazing Stories na mapapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA7.