GMA Logo divine aucina on dear uge
What's on TV

Ibang level ang ganda ni Divine Aucina sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 2, 2020 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

divine aucina on dear uge


Alamin ang mga manliligaw ni Divine Aucina ngayong Linggo sa 'Dear Uge.'

Ang love story nina Devine (Divine Aucina) at Diego (Dave Bornea) ay ang epitome ng true love.

Ngunit isang araw, napapansin ni Devine na iniiwasan siya ni Diego.

Ayaw man niyang isipin, pero 'di niya mapigilang magduda kung niloloko lamang siya ng kanyang matipuno at gwapong boyfriend.

Ito ang greatest fear ni Devine: ang iwanan siya sa ere nang hindi nalalaman ang rason kung bakit siya iniwan.

Wala man sa itsura niya, pero nagkaroon na ng ex-boyfriend si Devine na si Elmer (David Licauco) noong nag-aaral siya at iniwan niya ito dahil sa tingin niya ay hindi na sila bagay sa isa't isa.

Divine Aucina at David Licauco sa Dear Uge

Divine Aucina at David Licauco sa Dear Uge

Divine Aucina at David Licauco sa 'Dear Uge' / Source: Carlo del Prado - Dear Uge

Ano kaya ang mangyayari kung bumisita si Elmer sa Uge Variety Store?

Magkabalikan kaya ang dalawa? Magkaayos kaya sina Devine at Diego?

Alamin ang mga sagot diyan ngayong Linggo, September 6, sa Dear Uge episode na pinamagatang “Ganda Mo 'Teh!” kasama sina David Licauco, Shaira Luna, Divine Aucina, at Dave Bornea.