
Hatid ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth ang kuwento tungkol sa mga mga vloggers na nakakita ng mga nagkalat na perang papel sa dagat.
Sa Oriental Mindoro, namataan ng mga ito ang mga iba't ibang currency na nakalutang sa dagat. Ayon kay Mjay Rovera, ikinagulat nilang makita ang mga pera sa dagat. Posible raw na nahulog ito mula sa mga dayuhan na bumisita sa isla.
Tampok rin sa Amazing Earth ang kuwento mula sa Lake Abraham sa Alberta, Canada. Dinarayo raw ito ng mga turista dahil sa mga frozen methane bubbles. Pero ang frozen bubbles na tourist attraction sa lugar, ay malaki pala ang kontribusyon sa global warming.
Tutukan ang susunod na mga episodes ng Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.