What's on TV

Iba't ibang mga personalidad, humanga sa full trailer ng 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published January 14, 2021 10:43 AM PHT
Updated January 14, 2021 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

The Lost Recipe


Kilalanin kung sinu-sino ang mga personalidad na na-hook sa trailer pa lang ng 'The Lost Recipe.'

Ilang mga personalidad ang napahanga ng full trailer ng The Lost Recipe.

Ang The Lost Recipe ay isang fantasy-romance series na handog ng GMA Public Affairs na magsisimula na ngayong January 18. Ito ay ang unang pagtatambal nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Makakasama rin nina Mikee at Kelvin sa seryeng ito si Paul Salas. Silang tatlo ang magbibigay buhay sa mga karakter nina Chef Harvey (Kelvin), Chef Apple (Mikee), at Frank (Paul).

Sa full trailer ay ipinakita na ang magiging takbo ng istorya ng buhay nina Chef Harvey, Chef Apple, at Frank. May patikim na rin kung paano haharapin ni Chef Harvey ang past at present time sa seryeng ito.

Sa full trailer ay nagbahagi ng paghanga ang ilang mga personalidad tulad nina Mark Herras, Tina Paner, JP Soriano, David Licauco, at Benjamin Alves.

Saad ni Mark, “Napakaganda. Trailer pa lang nabusog na ako”

Binati na agad nina David at Tina ang team na bumubuo ng The Lost Recipe. Ani ng aktres na si Tina, “Bravo sa lahat ng bumubuo ng team na nito.”

Cinematography naman ang hinangaan ni Benjamin. Saad ng aktor, “Kudos to The Lost Recipe--the cinematography is amazing."

Sa post ni Mikee ng full trailer ng The Lost Recipe ay na-excite rin ang ilan sa kanyang mga kaibigan at mga naging katrabaho sa industriya.

Ito ay sina Joyce Ching, Jeric Gonzales, at Heaven Peralejo. Ibinahagi nina Joyce, Jeric, at Heaven ang kanilang excitement sa The Lost Recipe.

Saad ni Joyce, “ANG GANDAAA! KINIKILIG AKO!”

Post naman ni Jeric sa account ni Mikee, “Astig! Congrats @mikee”

Saad ni Heaven ay masayang-masaya siya para kay Mikee, “SOBRANG SAYA KO PARA SAYO!! Congrats!!”

Nakita rin sa post ni Mikee ang comment ng kanyang The Lost Recipe co-star na si Gabby Eigenmann. Si Gabby ay may importanteng karakter na gagampanan sa serye na ipinakita na rin sa full trailer.

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng The Lost Recipe ngayong January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Kilalanin ang iba pang mga makakasama sa The Lost Recipe at ang kanilang mga roles sa gallery na ito: