
Ginawaran ang science infotainment show na iBilib ng Best Children and Youth Program award sa naganap na Catholic Mass Media Awards. Ang award-winning host nito na si Chris Tiu, itinuring na malaking encouragement ito para sa team sa likod ng programa.
Inanunsyo ni Chris ang magandang balita sa kanyang Instagram page, kalakip ang ilang litrato ng pagtanggap niya ng naturang award.
“Thank you to the Catholic Mass Media Awards for recognizing our TV program iBilib as the Best Children and Youth Program,” sabi ni Chris sa kanyang post.
Pagpapatuloy pa niya, “Malaking encouragement po ito sa amin para magpatuloy na gumawa ng mga educational na programa para sa mga kabataan na may magandang asal at nakakawili.”
Pinasalamatan din ni Chris ang lahat ng Kapuso at iBilibers na patuloy na sumusuporta sa kanilang science adventure program.
Nagbigay rin ng kanyang congratulatory message ang Kapuso Sweetheart at co-host ni Chris na si Shaira Diaz sa kanilang iBilib family sa comments section.
Samantala, nagbigay naman ng tatlong clapping emojis ang kapwa Be Juan Tama ambassador ni Chris at host ng Amazing Earth na si Dingdong Dantes.
Source: chris_tiu17/IG
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG FUN BEHIND THE SCENES NG TAPING NG 'IBILIB' SA GALLERY NA ITO: