
Kamakailan lang ay kinilala ang Science infotainment show na iBilib sa naganap na Anak TV Awards, bilang isa sa mga Household Favorite programs. Bukod sa show, kinilala rin ang mga hosts nitong sina Chris Tiu at Shaira Diaz bilang Makabata Star awardees.
Kinikilala ng Anak TV ang mga TV shows at celebrities na itinuturing nila bilang child-friendly, child sensitive, at family friendly. Kabilang ang iBilib sa Top 10 Household Favorites ng Anak TV Awards, kasama ang Kapuso Mo, Jessica Soho, i-Witness, Family Feud, AHA, Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, at 24 Oras.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chris na nakaramdam siya ng pag-asa matapos makita at marinig ang heartfelt messages ng batang awardees ng Anak TV.
“Clearly, there was shared sense of responsibility as media (and social media) personalities to promote good values and to be role models. I felt the sincerity in wanting to promote kindness and having a safe space online, where people (especially kids) can learn, be entertained, and inspired,” sulat ni Chris.
KILALANIN PA ANG ILANG ANAK TV SEAL AWARDEES SA GALLERY NA ITO:
Gusto rin umano purihin ni Chris ang Anak TV body na pinangungunahan ni Ms. Elvira Go “for passionately and consistently championing this for 26 years.”
Alam din umano ni Chris kung gaano kahigpit at impartial ang pagpili ng educational institutions, NGOs, at service group. Kaya naman, more than humbled and honored umano si Chris na makilala bilang isa sa mga Male Makabata Star ng Anak TV.
Pinasalamatan naman ni Chris ang Anak TV dahil nagsisilbi umano ito bilang paalala na maging magandang impluwensya sa iba.
“It is an encouragement and reminder for all of us practitioners to be a light to others - to show kindness, compassion, accountability, hope, and more,” sulat ni Chris.
Nagpasalamat din ng award-winning TV host sa GMA Network para sa tiwala at suporta na binibigay sa kaniya bilang bahagi ng child-friendly programs sa loob ng maraming taon.
“Congrats team iBilib @gmaibilib !! And congrats to all the awardees! To God be the glory” pagtatapos ni Chris.
Samantala, sa hiwalay na post ipinahayag naman ni Shaira kung gaano siya nagpapasalamat na maging Makabata Star awardee ng dalawang magkasunod na taon.
“Thank you so much, @anaktvinc, for this wonderful and meaningful award.” sulat ni Shaira.