GMA Logo Ibong Adarna: The Pinoy Adventure
What's on TV

'Ibong Adarna: The Pinoy Adventure' starring Rocco Nacino, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published August 21, 2022 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of debris after Long March rocket launch from China
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Ibong Adarna: The Pinoy Adventure


Kabilang ang 'Ibong Adarna: The Pinoy Adventure' starring Rocco Nacino sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Maglakbay patungo sa kakaibang mundo kasama ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isa itong panibagong adaptation na magbibigay ng mas Pinoy na twist sa 16th-century Filipino epic poem na Ibong Adarna.

Tampok dito si Kapuso actor Rocco Nacino kasama ang star-studded at award-winning cast na kinabibilangan nina Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Ronnie Lazaro at marami pang iba.

Abangan ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure sa August 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mga mahihilig sa horror films, nariyan ang Patient X na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.

Gaganap si Richard dito bilang isang doktor na babalik sa kanyang hometown sa probinsiya para harapin ang pumatay sa kapatid niya, 20 taon na ang nakalilipas.

Malalaman din niyang hindi tao kundi isang aswang ang pumatay sa kanyang kapatid.

Huwag palampasin ang Patient X, August 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.