
Kapuso, here's your chance para maipakita ang inyong suporta sa paborito n'yong GMA Drama artists sa Seoul International Drama Awards (SDA) 2026!
Anim na Kapuso stars ang nominado sa SDA 2026 bilang Outstanding Asian Star in the Philippines.
Kasama riyan ang Kamao lead actor at Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon, ama niya at veteran actor na si Roi Vinzon, at mga batikang aktres na sina Amy Austria at Katrina Halili.
Gunning for the Outstanding Asian Star in the Philippines din ang The Master Cutter lead actor na si Dingdong Dantes at leading lady niyang si Max Collins.
Para maiboto ang inyong pambato, i-download ang IDOLCHAMP app sa inyong mobile phone at mag-register.
Pumunta sa Seoul International Drama Awards 2026 page at i-select ang Outstanding Asian Star: Philippines category. Mula sa listahan, iboto ang nais n'yong kandidatong manalo para sa award.
Bukas ang botohan sa IDOLCHAMP app hanggang July 14, 2026, 11:59 p.m. (KST).
Gaganapin ang awarding ceremony ng SDA 2026 sa October 8 sa KBS Hall sa Seoul, South Korea.
Patuloy na subaybayan weekdays ang Kamao sa oras na 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime, at The Master Cutter sa oras na 8:15 p.m. sa GMA Prime.