GMA Logo ice seguerra
Source: iceseguerra/IG
What's on TV

Ice Seguerra, inilahad ang dahilan ng pag-alis sa public service

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2026 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: May 15, 2026
More than a singer: Jessica Sanchez finds her voice in motherhood
Woman from Iloilo loses almost P200K to bogus work

Article Inside Page


Showbiz News

ice seguerra


Ice Seguerra: "Mahirap magserbisyo kapag napapaligiran ka ng politics."

Bukod sa pagiging singer, naging public servant din ang Acoustic Hitmaker na si Ice Seguerra nang maging chairperson siya ng National Youth Commission noong 2016.

Ayon sa singer, pinasok niya ang mundo ng pulitika dahil gusto niyang magsilbi, ngunit hindi umano ito nangyari.

"I was very idealistic in terms of public service because that's the only reason why I wanted to be part of NYC—I really wanted to serve regardless of political color, kasi 'yun 'yung trabaho ko.

"Pag pumunta ka sa gobyerno, dapat, pagserbisyohan mo ang lahat, especially ako, young people ang constituency ko noon,” sabi ni Ice sa pagbisita nila ng kapwa singer na si Sitti sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 14.

Ngunit hindi nagtagal, nagbitiw siya sa puwesto noong 2018 dahil hindi niya umano kinaya ang karanasan sa opisina.

Dagdag pa niya, "My mental health was greatly affected, kasi I really thought I'd be able to serve, but mahirap mag-serbisyo kapag napapaligiran ka ng politics."

KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA PINASOK ANG MUNDO NG PULITIKA SA GALLERY NA ITO:

Nabanggit din ni Ice na sa halip na public service, mas nangingibabaw ang pamomolitika sa government offices.

“Hindi ka makagawa ng isang bagay kasi may pulitikong hahadlang sa 'yo na taliwas sa whatever belief niya,” sabi ni Ice.

Pagbabahagi ni Ice, mayroon siyang kantang isinulat mahigit sampung taon na ang nakakaraan na may titulong “Lupang Pinangako.” Wala mang kinalaman ang pagsulat niya noon sa kanta sa mga nangyayari ngayon, ngunit aniya, "That's the thing, parang walang pinagbago. Kung ano 'yung nag-inspire sa akin, the frustrations I felt kaya ko nasulat 'yun, parang, 'Dude, ganu'n pa rin?'”

Panoorin ang panayam rito: