Article Inside Page
Showbiz News
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Mikoy, inamin nito na hanggang ngayon ay starstruck pa rin siya kay Bitoy, lalo na tuwing nakakaeksena niya ang beteranong komedyante.
By AEDRIANNE ACAR
Dalawang taon na ang nakalipas matapos makilala ang Kapuso cutie na si Mikoy Morales sa reality TV talent search na
Protégé: The Battle For The Big Artista Break.
Hindi man pinalad manalo, nagsunod-sunod ang mga projects na ginawa ni Mikoy sa Kapuso Network tulad ng
TeenGen,
Love & Lies,
With A Smile at
Villa Quintana. Patunay lamang sa angking galing at husay ni Marco Morales sa totoong buhay.
Sa ngayon, malapit ng magsimula ang bago niyang show na
More Than Words kung saan makaka-trabaho niya muli ang on and off-screen couple na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.
Bukod sa drama projects ni Mikoy, sumasabak din ang Kapuso actor sa pagpapatawa, dahil nag-gu-guest din siya sa high rating Saturday night comedy series na
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, bilang gay classmate ni Chito Manaloto (played by Jake Vargas) na si Roxy.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Mikoy, inamin nito na hanggang ngayon ay starstruck pa rin siya sa veteran comedian na si Bitoy na dati ay napapanood lang niya sa TV.
Saad niya, “Hanggang ngayon, overwhelmed pa rin ako tuwing nandiyan siya. Pag kinakausap niya ako, parang ‘Ha? Opo’ (laughs)”.
“Lumaki ako na pinapanood ko siya sa
Bubble Gang, halos kasing edad ko ‘yung
Bubble Gang. Tapos kumbaga ‘yung jokes niya, ‘yun ang naging pondo ng jokes namin ng family ko.”
Dagdag pa ng former
Protégé finalist na mas ganado at excited daw siya pag nag-ta-taping sa
Pepito kasi he is able to work with the multi-awarded comedian na tinuturing niya isang icon.
“So talagang icon siya sa amin. Icon siya ng buhay ko. Parang to be able to work with him and to be commended by him parang hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi pa rin talaga nagsi-sink-in talaga. So mas na-e-excite ako sa trabaho.”