GMA Logo Christian Bale in Batman Begins
What's on TV

Iconic film na 'Batman Begins,' mapapanood sa GTV sa December 17

By Marah Ruiz
Published December 11, 2021 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: March 5, 2026
DTI: Price hike for goods, other items needs agency's approval
Race to the finish: Meet the F1 drivers of the 2026 season

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Bale in Batman Begins


Muling mapapanood ang 'Batman Begins' sa 'G! Flicks' ng GTV sa December 17.

Hatid ng G! Flicks ngayong December 17 ang iconic film na Batman Begins.

Sa direksiyon ng award-winning writer-director na si Christopher Nolan, ito ang unang pelikula sa reboot ng Batman film series.

Tampok dito ang multi-awarded actor na si Christian Bale bilang Bruce Wayne. Magte-training siya sa combat at pag-aaralan niya ang mundo ng mga kriminal matapos mapatay ang kanyang mga magulang.

Makikilala niya sa Bhutan si Henri Ducard, na gagampanan ni Liam Neeson. Ire-recruit siya nito sa League of Shadows--isang grupo na pinamumunuan ng misteryosong si Ra's al Ghul, karakter naman ni Ken Watanabe.

Makakatanggap muli ng physical at mental training si Bruce mula sa grupo pero malalaman niya ang tunay na layunin nito.

Balak ng League of Shadows na pabagsakin ang Gotham City dahil naniniwala silang hindi na kayang maayos ang siyudad na talamak ang krimen at korupsiyon.

Hindi sang-ayon dito si Bruce kaya lilisanin niya ang grupo at susunugin ang templo nito.

Babalik si Bruce sa Gotham City at magsisimula ng kanyang double life bilang ang vigilante na si Batman.

Bukod kina Bale, Neeson at Watanabe, kabilang din sa star-studded cast ng Batman Begins sina Michael Caine, Katie Holmes, Gary Oldman, Cillian Murphy, Tom Wilkinson, Rutger Hauer, at Morgan Freeman.

Isang box office at critical hit ang Batman Begins at itinuturing na isa sa mga pinaka impluwensiyal na pelikula ng 2000s.

Huwag palampasin ang Batman Begins sa G! Flicks, December 17, 8:00 pm sa GTV.