
Na-miss n'yo ba ang pinakamainit na bikini showdown sa First Yaya? Balikan ang full episode ng pagrampa nina Sanya Lopez, Maxine Medina, at iba pang aktres sa hit Kapuso rom-com series dito!
Kahit nakapubliko na ang relasyon nina Yaya Melody (Sanya) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), hindi pa rin sumusuko si Lorraine (Maxine).
Kaya naman, nitong Huwebes, May 27, paseksihan ang naging labanan nina Yaya Melody at Lorraine. Hindi rin nagpahuli sina PSG Val, Norma, Pepita at Gemrose sa pagrampa.
Palaban man si Lorrraine, alam natin kung sino nangunguna sa puso ni Glenn.
Wika nito, “'Yan ang girlfriend ko.”
Panoorin ang full episode ng bikini showdown sa video sa itaas.
Ang naturang episode, nanguna rin sa mga manonood. Nakapagtala kasi ito ng 20.3% combined ratings ayon sa Nielsen Phils. TAM NUTAM ratings.
Balikan din ang hottest, boldest, wildest at sexiest bikini showdown sa First Yaya sa gallery sa ibaba:
Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at mangarap sa First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M. Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.