
Inilarawan ni Betong Sumaya at Sheena Halili ang mga ideal type nila sa Yan Ang Morning!.
Inilarawan ni Betong Sumaya at Sheena Halili ang mga ideal type nila sa Yan Ang Morning!. Ika ni Betong, “Maputi, matangkad, mahaba ang buhok.”
Tanong naman ni Boobay sa kanyang saktong description, “[Sino ito, si] Sadako?”
Natawa lang si Sheena, pero tila may pahabol siya, “Pwede bang petite?” Pwede naman daw, sagot ni Betong.
Eh, si Sheena, ano nga ba ang gusto sa isang lalaki?
Simple lang ang gusto ng aktres: “Funny, may trabaho…. at pawisin!” On a serious note, gusto raw talaga ni Sheena ay mas matanda sa kanya. Aniya, “Gusto ko may edad na. Gusto ko medyo matanda sa akin.”
Tinanong naman ni Marian kung bakit hindi pa nagkaka-girlfriend si Betong. Patawang sagot ng komedyante: “Gusto ko sila, ayaw nila sa akin.”
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
Alden Richards, seloso raw?
Paano nga nawawala ang isang Alden Richards?