Celebrity Life

“If she’s still here, hindi ako mapapagod na sabihin sa kanya na 'I love you, Ma'" – Bianca Umali

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 12:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong papalapit na ang Mother’s Day, naiinggit si Kapuso actress Bianca Umali sa mga taong nakakasama pa ang kanilang mga ina. 

Ngayong papalapit na ang Mother’s Day, naiinggit si Kapuso actress Bianca Umali sa mga nakakasama pa ang kanilang mga ina dahil wala siyang babatiing sariling ina. Pumanaw na kasi ito noong bata pa lamang siya.

Taong 2005 nang pumanaw ang ina ni Bianca dahil sa sakit na breast cancer. Limang taong gulang pa lamang noon ang aktres nang kuhanin sa kanya ang ina. Pagakatapos ng limang taon, ang ama naman niya ang sumunod na namatay dahil sa heart attack. Dahil wala nang mga magulang si Bianca, ang kanyang lola na ang nag-aalaga sa kanya ngayon.

“Of course since malapit na 'yung Mother's Day, again hindi ko siya kasama. But the least I can do is of course I visit sa cemetery and then maybe bring her flowers or maybe I'll eat with her,” ani Bianca.

Dagdag pa niya, “Kasi kapag occassions, ganoon kami. Parang magbi-bring kami ng food sa cemetery and then maghahanda kami sa harap nila, then bibigyan din namin sila ng food.”

Inamin sa amin ni Bianca na wala siyang naaalalang experience niya with her mom. Hindi naman kasi maipagkakaila ito dahil napakabata pa niya nang pumanaw ito. “Nakikita ko lang 'yung picture niya sa mind ko. Wala na akong certain moments, sobrang labo na. Basta I have this picture in my head na nasa harap ko siya. 'Yun lang 'yung nakikita ko,” saad niya.

Ibinahagi sa amin ni Bianca kung ano ang gagawin niya ngayong Mother’s Day sakaling magkaroon siya ng pagkakataong makasama ang ina. “Well of course sasabihin ko lahat ng mga hindi ko nasabi sa kanya. Paparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya ka-love. Kasi some kids, they forget to tell their parents or their moms kung gaano nila ka-mahal. So ako, if she’s still here, hinding-hindi ako mapapagod na sabihin sa kanya na I love you, Ma,” aniya.

Kuwento ng aktress, kung buhay pa raw ang kanyang ina, sasabihin niya raw ang lahat ng bagay tungkol sa kanya na dapat niyang malaman. Magiging open daw siya lagi sa ina at sisiguraduhin niyang lahat ng detalye ng buhay niya ay alam nito.

Bago matapos ang interview, nagbigay ng mensahe si Bianca para sa kanyang ina. “Hi Mommy, if you're reading this, Happy Mother's Day! And of course, I miss you so much and I love you,” pahayag niya.

Abangan si Bianca Umali sa Niño, ngayong May 26 na sa GMA Telebabad. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com