
Inalam ng iJuander host na si Cesar Apolinario kung ano ang mga invasive species at paano ito nagiging peste sa mga mangingisda at magsasaka.
Isa sa mga peste na ito ay ang ahas-pagong o ang Chinese softshell turtle sa San Luis, Pampanga. Ayon sa mga mangingisda, kinakain daw ng mga ahas-pagong ang kanilang isda habang bata pa lang ito kaya nangangalahati ang kanilang nahuhuli.
Gayunpaman, napapagkakitaan pa rin ng mga mangingisda ang mga ahas-pagong na ito.
Alamin sa video ng iJuander below kung papaano sinusolusyonan ng mga mangingisda sa Pampanga ang mga pesteng ahas-pagong: