
Kinamusta ng iJuander hosts na sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung gaano ka-inclusive at accessible ang Pilipinas para sa mga PWD o Persons With Disability.
Isa sa kanilang tiningnan ay ang employment status ng mga PWD at doon nila nakilala sina Ronald, isang lalaking may Pott's Disease na nagumagawa ng leather handicrafts, at si Sandrin, ang unemployed IT graduate na may Treacher Collins Syndrome.
Upang maranasan ang araw-araw na pag-wi-wheelchair ni Ronald makapasok lang sa trabaho, susubukan siyang sabayan ni Cesar Apolinario nang naka-wheelchair rin.
Nakapanayam naman ni Susan Enriquez si Rica, isang babaeng may cerebral palsy, upang malaman ang mga pagsubok na kinakaharap niya sa eskuwelahan.
Ipinakita rin ni Rica kung gaano kahirap gumamit ng public transportation para sa mga PWD na gaya niya.