
Madadagdagan na ang mga delakidad na palabas sa digital channel ng GMA Network na Heart of Asia.
Mapanonood na kasi ang top-rating series na Ika-6 Na Utos, mula Lunes hanggang Biyernes simula February 1.
Tingnan ang full schedule ng Ika-6 Na Utos:
Monday to Fridays: 9:45 AM - 10:30 AM
Replays - 3:10 PM - 3:55 PM, 10:00 PM - 10:45 PM
Saturdays - 8:00 AM - 10:30 AM
Ang Ika-6 Na Utos ay ang kuwento ng mag-asawang Rome at Emma, na ginagampanan nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
Guguho ang kanilang mala-perfect marriage nang makilala ni Rome si Georgia (Ryza Cenon), isang seksi at ambisyosong interior designer na kalaunan ay magiging kabit ng nauna.
Malaman kaya ni Emma ang pagtataksil ni Rome sa kanyang kaibigan na si Georgia? Hahayaan ba niyang sirain nito ang kanyang pamilya?
Tutukan ang Ika-6 Na Utos sa GMA Heart of Asia Channel simula February 1!