Article Inside Page
Showbiz News
Ipinaliwanag ni Yasmien Kurdi, ang gumaganap na ina ni Chlaui sa 'Yagit,' kung bakit laging nakukuha ang anak niya ng masasamang loob sa Afternoon Prime soap.
By AL KENDRICK NOGUERA
"Alam ko po, marami na pong nagagalit at nagrereklamo kung bakit daw po laging naki-kidnap si Eliza," 'yan ang natatawang pahayag ni Yasmien Kurdi.
Ipinaliwanag ni Yasmien kung bakit laging nakukuha ng masasamang loob ang character ni Chlaui Malayao sa magwawakas na Afternoon Prime soap.
READ: Chlaui Malayao, hindi na kailangan ng acting coach sa taping ng Yagit
Malaking tulong daw sa
Yagit kaya't umabot ito ng halos isang taon ang paulit-ulit na pag-kidnap kay Eliza. "Kasi si Eliza po, marami kasing may interest sa kanya dahil kapag kinuha si Eliza, maraming [characters ang] apektado," saad ni Yasmien.
Pero kung bibilangin, hindi na raw talagang kayang alalahanin ni Yasmien kung ilang beses na-kidnap si Eliza.
Matatandaang ilang beses kinuha nina Alessandra de Rossi (Lulu), Bettinna Carlos (Izel), Wowie de Guzman (Chito), Paolo Contis (Rex) at Mark Herras (Rodney) si Eliza mula kay Dolores.