GMA Logo Arny Ross and Bubble Gang babes
Courtesy: iamarnyross (IG)
Celebrity Life

Ilang 'Bubble Gang' babes, present sa baby shower ni Arny Ross

By EJ Chua
Published May 31, 2022 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Arny Ross and Bubble Gang babes


Ilang female Kapuso stars, excited na sa paglabas ng soon-to-be Banogon baby!

Sa kabila ng kanilang busy schedules sa show business, ilang Bubble Gang babes ang dumalo sa intimate baby shower ni Arny Ross.

Ginanap ang isa sa pinakamahalagang event para kay Arny sa bagong bahay nila ng kaniyang asawa na si Franklin Banogon.

Present sa baby shower ang mga kasama ng comedienne-actress sa Bubble Gang na sina Valeen Montenegro, Arra San Agustin, Ashley Rivera, at ang Kapuso actress na si Thea Tolentino.

Tila kakaiba ang kanilang closeness dahil kapansin-pansin ang kulitan ng female stars sa ilang photos na in-upload ni Arny sa kaniyang Instagram account kamakailan lang.

Hindi man karamihan ang kaniyang bisita, kapansin-pansin na naging masaya ang soon-to-be mom sa pagdiriwang na ito.

Silipin dito ang mga larawan ni Arny Ross kasama ang ilang Bubble Gang stars at iba pang kaibigan na present sa baby shower:

A post shared by @iamarnyross

Noong May 1, ibahagi ni Arny at ng kaniyang asawa ang behind-the-scenes ng isinagawa nilang gender reveal party para sa kanilang soon-to-be baby boy.

Samantala, silipin ang dream house nina Arny Ross at Franklin Banogon sa gallery na ito.