What's Hot

Ilang celebrities, busy sa gawaing bahay ngayong enhanced community quarantine

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 27, 2020 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Celebrities keep busy during the enhanced community quarantine


Dahil sa COVID-19 pandemic, pinauwi muna ng ilang celebrities ang kanilang kasambahay sa kani-kanilang pamilya.

Pinauwi muna ng ilang celebrities ang kanilang kasambahay sa kani-kanilang mga pamilya ngayong mayroong enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa banta ng COVID-19.

Busy ngayon si Carla Abellana ngayon sa mga gawaing bahay dahil mula sa paglalaba ng kanyang damit hanggang sa pag-aayos ng mga damit sa kanyang cabinet, siya mismo ang gumagawa.

Ayon kay Carla, masaya siya na kasama niya ang boyfriend niyang si Tom Rodriguez ngayong enhanced community quarantine.

“Kung hindi [ko siya kasama], mababaliw ako nang mag-isa lang rito na wala akong kasama, walang tumutulong sa akin,” saad ng Love of my Life star.

May iba ring pinagkakaabalahan aktres na sina Rhian Ramos at Heart Evangelista ngayong hindi puwedeng lumabas.

Alamin 'yan sa report na ito ni Cata Tibayan: