GMA Logo Kapuso shows for the 2022 Lasallian Scholarum Awards
What's Hot

Ilang dokumentaryo ng GMA-7, kinilala sa 17th Lasallian Scholarum Awards

By EJ Chua
Published March 10, 2022 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso shows for the 2022 Lasallian Scholarum Awards


Kinilala ang ilang programa ng GMA-7 sa katatapos lamang na 2022 Lasallian Scholarum Awards. Congratulations, mga Kapuso!

Ilang programa ng GMA-7 ang kinilala sa 2022 Lasallian Scholarum Awards dahil sa mga dekalidad na istoryang nailahad tungkol sa mga isyu at kuwento ng mga kabataan at ang mga dokumentaryong nagtalakay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa edukasyon.

Nagwagi ang istoryang “Munting Bisig” bilang Outstanding Video Feature on Youth and Education na napanood sa Kapuso documentary show na The Atom Araullo Specials noong July 25, 2021.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 2 million views sa Youtube ang dokumentaryong ito ni Atom Araullo.

Itinanghal naman na finalist para kaparehong category ang istoryang “Too young to marry? Mga kuwento ng ilang child bride sa Pilipinas,” na pinangunahan ni Ria Garcia para sa programang Stand for Truth.

Nakatanggap din ng pagkilala ang dokumentaryo ni Kara David na pinamagatang “Pandemic Teachers” na ipinalabas sa I-Witness.

Idinaos ang naturang online awarding event na may temang “Kabanata ng kabataan” kahapon, March 9, sa De La Salle University Facebook page.

Ang journalism awards na ito ay naglalayong kilalanin ang mga natatanging istoryang naging daan upang maibahagi ang kakaiba at hindi pangkaraniwang karanasan ng ilang kabataan at ng kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa bansa sa gitna ng pandemya.

Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang GMA Network's official website sa www.gmanetwork.com.