
Kaabang-abang ang mga eksena ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa upcoming mystery/adventure family drama series na The Secrets of Hotel 88.
Sa showbiz report ni Aubrey Carampel para sa GMA Integrated News at 24 Oras, may pasilip sa set ng serye.
Ibinahagi rito ang ilang eksena na kinuhanan sa isang resort sa Puerto Galera.
Kabilang sa mga ipinahapyaw ay ang confrontation scenes nina Brent Manalo, Will Ashley, Ralph De Leon, River Joseph, Josh Ford, Mika Salamanca at Bianca De Vera.
May pasilip din sa mga eksena ng iba pang cast members nito na sina Esnyr, AZ Martinez, Dustin Yu, Kira Balinger, Xyriel Manabat, at Klarisse De Guzman.
Ayon kina Josh Ford at AZ Martinez, new experience para sa kanila ang makasama sa lock-in taping ang mga nakasama nila noon na nanirahan sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Samantala, sa TikTok, mapapanood ang kulitan at bonding moments ng cast na talaga namang kinaaaliwan ng netizens at fans.
Abangan sila at ang iba pang ex-housemates ni Kuya sa The Secrets of Hotel 88, ang bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Meet the cast of 'The Secrets of Hotel 88'