GMA Logo Joshua Garcia and Gabbi Garcia
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Ilang eksena nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa 'Unbreak My Heart,' kinakiligan

By EJ Chua
Published June 6, 2023 1:00 PM PHT
Updated June 6, 2023 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia and Gabbi Garcia


Nag-trending ang pagtatagpo ng mga karakter nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa '#UnbreakMyHeart.'

Pinag-usapan sa Twitter at iba pang social media platform ang ilang mga eksena na ipinalabas sa episode ng Unbreak My Heart na may hashtag na #UMHMgaPusongPinagtagpo.

Napanood sa naturang episode ang ilang beses na pagtatagpo ng mga karakter nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia na sina Renz at Alex.

Natunghayan kung paano unang nagkrus ang mga landas nina Renz at Alex at pati na rin ang sunod-sunod nilang pagkikita nang hindi nila inaasahan.

Naniniwala si Renz na destiny ang ilang beses nilang pagkikita ngunit para kay Alex ay coincidence lang ang lahat ng tungkol sa kanilang pagtatagpo.

Kinakiligan ng mga manonood at netizens ang kanilang sweet na mga eksena at linyahan sa serye.

Kabilang na rito ang sinabi ni Alex kay Renz na, “Okay, okay aaminin ko type kita ng slight pero friendzone level lang.”

Tila ramdam na ramdam ang chemistry ng dalawa habang sila ay magkaeksena bilang sina Renz at Alex.

Ang ilang netizens ay labis na humanga sa acting skills ng Sparkle star na si Gabbi.

Narito ang ilang positive comments mula sa mga nakapanood sa naturang episode:

Kung hindi mo pa ito napanood, narito ang full episode ng #UMHPusongPinagtagpo:

Samantala, kakayanin kaya nina Renz at Alex na panindigan ang kanilang naging kasunduan?

Alamin ang kasagutan sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: