
Tila napa-reminisce ang fans nina Will Ashley at Bianca De Vera sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition o PBB days ng dalawa.
Pinag-uusapan ng WilCa at WilBi fans ang eksena ng kanilang mga iniidolo sa collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Ayon sa ilan sa kanila, mala-real life scenarios ang nasasaksihan nila sa mga karakter nina Will at Bianca sa serye na sina Kiko at Jade.
Ilan sa tinutukoy nila ay ang serious talks nina Kiko at Jade tungkol sa kani-kanilang feelings.
Patok din sa fans ang kulitan ng dalawa na umani ng papuri dahil sa natural chemistry umano nila sa bawat eksena.
Narito ang ilang reaksyon ng fans at viewers kina Will Ashley at Bianca De Vera bilang sina Kiko at Jade:
Nagsimulang ma-ship sina Will at Bianca sa Unbreak My Heart at nasundan ito nung nagkasama sila bilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Huwag palampasin ang suspense collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.