
Ang tema ng parangal ngayong taon ay "kislap" bilang pagpapahalaga sa kabataan na patuloy na pinag-aalab ang pag-asa.

Hinirang bilang Best Noontime Show ang Eat Bulaga, na siya ring longest-running noontime show sa Pilipinas.
Natanggap naman ng GMA News Online ang Crisis Coverage Award (Digital News Website).
Nakuha naman ng infotainment show na Aha! hosted by Drew Arellano ang Paragala Pang Kabataan (Science and Technology).
Ang faith-based program na 700 Club Asia naman ang nag-uwi ng Paragala Pang Kapakanan (Traditional Spiritual Program).
Wagi rin si Kapuso host Joyce Pring sa kanyang podcast na Adulting with Joyce Pring na nakatanggap naman ng Paragala Pang Kapakanan (Digital Self Help Program).
Ang Paragala: The Central Luzon Media Awards ang pinakamalaking student-based award-giving body sa Pilipinas. Kinikilala nito ang mga natatanging personalidad at institusyon sa larangan ng media.
Napipili ang mga pinaparangalan dito sa pamamagitan ng pagboto ng faculty members at student councils ng iba't ibang mga kolehiyo at unibersidad sa Central Luzon.