
Tulad ng karamihan, kanselado rin ang planadong bakasyon ngayong Holy Week nina My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl stars Arra San Agustin, Jak Roberto, Ashley Ortega.
Dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) na muling ipinatupad sa NCR, minabuti na lamang nila na manatili sa kani-kanilang bahay.
Bukod dito, looking forward na rin umano sila na makapagpabakuna kontra COVID-19, at hinihikayat din umano nila na magpabakuna ang kani-kanilang pamilya.
“Lalo na po ngayon tumataas na naman nang tumataas. Actually, kahit pamilya ko ine-encourage ko po sila na magpaturok ng vaccine,” pahayag ni Arran ang makapanayam ng 24 Oras.
Sang-ayon din sa pagpapabakuna si Ashley.
“Game na rin po ako magpaturok ng vaccine kasi baka magka-COVID pa ako,” aniya.
Dagdag pa ni Jak, “If ever na magkaroon na ng vaccine, for me okey po ako dun.”
Source: arrasanagustin (Instagram), jakroberto (Instagram), ashleyortega (Instagram)
Samantala, tampok ang tatlo sa ikalimang installment ng romance-fantasy series na My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl.
Ang "Trophy Girl" ay tungkol sa buhay pag-ibig ni Baste, isang struggling sculptor na nasa moving on stage matapos siyang iwan ng girlfriend of seven years niyang si Cassie.
Para ilayo ang atensyon sa sakit ng breakup, itinuon ni Baste ang kanyang oras sa kanyang sining, ang paglililok o sculpture.
Ang obra niya ay isang tropeo na anyong babae. Dahil gandang-ganda siya sa nilikha, pinangalanan niya itong Mariquit.
Dala na rin ng pighating nararamdaman, hiniling ni Baste na sana magkabuhay ang obra niya at maging katuwang sa buhay.
Hindi akalain ni Baste na didinggin ang kanyang hiling nang makitang mabigyan ng buhay si Mariquit.
May mabubuo bang pagtitinginan sa dalawa? Paano kung biglang magbalik si Cassie? Sino ang pipiliin ni Baste?
Huwag palampasin ang “Trophy Girl” sa Sabado, April 10, 7:45 p.m., sa GTV!
Silipin ang behind-the-scenes photos ng My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl sa gallery na ito: