
Here are effective diet tips this summer from the stars.
Para magkaroon ng maganda at malakas na pangangatawan, hindi sapat ang puro ensayo lang. Ganito ang practice ng ilang mga Kapuso stars na living healthy dahil na rin sa kanilang diet.
WATCH: The workout routines of the Kapuso stars
Ang Little Nanay star na si Kris Bernal, binawasan ang pagkain ng pork at beef at mas piniling kumain ng fish at organic food. Kapag hindi busy, si Kris mismo ang nagluluto ng kanyang kakainin tulad ng kanyang paboritong salmon.
Prutas din ang hilig kainin ni "Super Sireyna" winner Francine Garcia.
“More on ano ako buko juice, ‘yung nagpapa-grate talaga ako ng buko. Ayaw ko ‘yung mala-uhog na tinatawag nila. Ang gusto ko talaga ‘yung buong buong buko. Syempre [against] dehydration, kasi para siyang water ‘di ba,” paliwanag niya.
Si Kapuso hunk Benjamin Alves, may mga iniiwasang kainin.
“Basta wala lang carbs, wala lang kanin. Everything else okay naman. Walang sugar,” aniya.
“I’ve always wanted to go boxing. Wala lang, nakakatuwa lang.. it’s near my house, it’s convenient and it’s fun, it’s fun. Always nice to learn new things,” kwento naman niya tungkol sa bagong kinahihiligang sport ngayon.
Binabantayan naman ni Starstruck 6 Ultimate Female Surviror Klea Pineda ang kanyang daily calorie intake na hindi raw lalagpas ng 2,000.
“Bilang lang ‘yung calories doon. Talagang papayat ka, maglu-lose ka ng weight. Pag nagugutom kasi ako, sasabihin ko na lang sa sarili ko na itutulog ko na lang ‘to or iinom na lang po ako ng tubig para lumipas na lang ‘yung gutom at hindi po ako kumain ng kumain,” wika niya.
Video courtesy of GMA News